Sabado, Setyembre 24, 2011

sanaysay ng apat na araw sa cict days

Ang apat na araw ng aming Cict days ay naging masaya at nagkaroon ng maraming kasiyahan sa bawat mag aaral ng Cict. Sa unang araw ng Cict days ay nagkaroon ng cosplay act na bawat section ng computer technology at I.T ay may kanya kanyang kalahok. Naging malaki ang selebrasyon na ito naging masaya lalo na ng pumarada na ang mga kasali sa cosplay magaganda ang bawat costume na ginamit ng bawat kalahok. Pumarada din ang mga kasali sa mga sports events at kabilang doon ang aming section sa 3rd year team sila kasama. sadyang naging masaya ang unang araw ng pagbubukas ng Cict days. Ang pangalawang araw naman ay ang pagbubukas ng unang laro ng cict days basketball, volleyball at marami pang iba ang klase noon ay hindi normal dahil attendance ang kailangan namin at kailangan din na kami ay manuod ng mga laro sa arawding ito nagsimula ang dalawang laro ng aming section sa kasamaang palad ay talo parehas ang dalawang laro pero masaya pa din dahil nakapaglaro naman ang lahat. Ang panagatlong araw naman ay sports events padin eto na ang huling araw ng finals ng mga laro kaya lahat ng mga player ay gustong manalo upang makuha ang mga papremyo pati na din ang kanilang karangalan. sa araw na ito ay hindi ko napanuod ng buo ang sports events dahil pumunta kami sa aming kaklase na kaarawan noon naging masaya ang kanyang kaarawan. Sa huling araw ng Cict days ay naganap na ang awarding kanya kanya na ang mga nanalo at bawat manlalaro ay naging masaya sa resulta ng mga events.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento