Lunes, Setyembre 26, 2011

ang alamat ng flashdrive

Sa isang kagubatan sa bayan ng albanya may isang mag anak na labis ang pagmamahalan sa isat isa hindi nila halos maiwan ang isat isa. Ang kanilang magulang na sina Anton at Maria ay mabubuting mga magulang sa kanilang mga anak at maganda ang pagpapalaki nila sa kanilang mga anak ang magkaroon ng takot sa diyos.
Isang araw may isang matandang halos patay na ang nakita ni Anton sa kagubatan habang siya ay nangangahoy ito ay kanyang ginamot pinkaen at pinainom ng dala nitong tubig. At sa awa ng diyos ito ay gumaling at biglang tumayo sa kanyang harapan at biglang naging isang babaeng napakaganda. Sinabi nito kay anton na bibigyan siya nito ng isang bagay na maari niyang magamit balang araw. Tinanggap ito ni Anton at ng lumipas ang 3 taon sila ng kanyang pamilya ay naharap sa isang problema nagkasakit ang asawa ni Anton na si Maria at malubha na ang kalagayan at ng malalagutan na ito ng hininga ay ginamit ni Anton ang binigay ng matanda sa kanya umaasang sana ay mabuhay ang kanyang asawa ng kanya itong binigay sa kanyang asawa ay biglang lumabas ang babaeng nakita niya noon at sinabing ang katawan ng iyong asawa ay hindi ko na maibabalik pa ngunit ang kanyang alaala ay nasa isang bagay na pwede mong ilagay ang lahat ng gustong mong bagay na kailangan mo at nandito ang alaala ng iyong asawa. At hanggang ngayon ginagamit natin ang bagay na ito na kung tawagin ay Flashdrive.

2 komento: