Lunes, Setyembre 26, 2011

malayang tula

Sa aming bayan tuwing sasapit
Ang kapistahan samot saring banderitas iyong makikita
Sa kaliwa't kanan mo'y di mag maliw ang mga tao sa kasiyahan
Mga pagkain siguradong ikaw ay mapapakain
Mga laro't palabas sa sa bayan tiyak na nakakaaliw
aa


O kay sarap ng pyestang bayan dito sa amin
Kay sarap balikan ng mga araw na ka'y saya
Sana'y piyestang bayan maulit ulit kada araw
Mga prusisyon aking inaabangan
Pagsapit ng gabi siguradong mamangha ka
Mga ilaw sa kalye ay nakakabighani




Sana maulit muli ang aming piyestang bayan
Siguradong babalik balikan ko
Ang aking bayan na lubos sa kasiyahan 
Ang dala sa aking buhay

malayang tula

Kay sarap maalala ng aking kabataan
Mga larong aking ginagawa
Nakakaaliw talaga 
Ang aking kaibigang si Pedro
Kasama ko kahit saan
Sa ilog o sapa kami lumalangoy




O ka'y simple ng aming buhay noon
Makapaglaro lamang kami masaya na
Ka'y sarap balikan ng aking kabataan
Pamimitas ng mangga aking hinahanap
Hugot dito kuha doon 


Ang aking kaibigan na si pedro 
Sadyang nakakaaliw sumayaw 
Pag kami ay kakain na ng mangga
O kay sarap talaga balikan ng aking kabataan 

ang alamat ng flashdrive

Sa isang kagubatan sa bayan ng albanya may isang mag anak na labis ang pagmamahalan sa isat isa hindi nila halos maiwan ang isat isa. Ang kanilang magulang na sina Anton at Maria ay mabubuting mga magulang sa kanilang mga anak at maganda ang pagpapalaki nila sa kanilang mga anak ang magkaroon ng takot sa diyos.
Isang araw may isang matandang halos patay na ang nakita ni Anton sa kagubatan habang siya ay nangangahoy ito ay kanyang ginamot pinkaen at pinainom ng dala nitong tubig. At sa awa ng diyos ito ay gumaling at biglang tumayo sa kanyang harapan at biglang naging isang babaeng napakaganda. Sinabi nito kay anton na bibigyan siya nito ng isang bagay na maari niyang magamit balang araw. Tinanggap ito ni Anton at ng lumipas ang 3 taon sila ng kanyang pamilya ay naharap sa isang problema nagkasakit ang asawa ni Anton na si Maria at malubha na ang kalagayan at ng malalagutan na ito ng hininga ay ginamit ni Anton ang binigay ng matanda sa kanya umaasang sana ay mabuhay ang kanyang asawa ng kanya itong binigay sa kanyang asawa ay biglang lumabas ang babaeng nakita niya noon at sinabing ang katawan ng iyong asawa ay hindi ko na maibabalik pa ngunit ang kanyang alaala ay nasa isang bagay na pwede mong ilagay ang lahat ng gustong mong bagay na kailangan mo at nandito ang alaala ng iyong asawa. At hanggang ngayon ginagamit natin ang bagay na ito na kung tawagin ay Flashdrive.

Sabado, Setyembre 24, 2011

alamat ng Integrated circuit (ic)

Sa isang bayan na tawagin na Sitio Dilim na halos walang liwanag ang makikita isang araw may isang binatang nangako sa mga mamayan ng Sitio Dilim na sa kanyang pagbabalik ay makakapagdala siya ng isang bagay na tutulong sa kanilang bayan upang lumiwanag ito. Sa kanyang paglalakbay ay nakasalubong siya ng isang matanda na gutom na gutom. Ngunit ang kanyang pagkain ay isang tinapay nalang pero binigay pa din niya ito sa matanda at bigla itong naging isang magandang babae at sinabi nito dahil sa iyong kabutihan bibigyan kita ng isang bagay na kailangan mo para sa iyong bayan binigyan siya ng isang bagay na makislap na tutulong sa kaniyang bayan upang lumiwanag ito. At sa kaniyang pagbabalik ay masaya siyang sinalubong ng kaniyang mga kababayan tapos ay naglikha pa siya ng marami pang ganito na ngayon ay ginagamit natin.

alamat ng monitor

Sa isang lugar na kung tawagin nila ay bayan ng tulaok. May isang babae na nagngagalang Magdalena siya ang pinakamaganda sa lahat ng dalaga doon. Halos oras oras ang tingin nito sa kanyang salamin. isang araw ng siya ay nasa loob ng kanyang bahay ay kinatok siya ng isang matandang my sakit na ketong. Nang kaniyang binuksan ang pinto ay bumungad sa kanya ang matanda. Nagsalita ito na kung pwede sana ay makainom siya ng tubig ngunit hindi siya binigyan ng babae ng tubig at pinalayas pa ito. At biglang naglaho ang matanda at naging magandang babae lubos ang paghingi ng tawad ni Magdalena ngunit huli ang lahat sinabi ng babae na mula ngayon gagawin kitang isang bagay na lahat na ilagay mo dito ay makikita mo ang iyong sarili at ginawa nga siyang ganito. Na ngayon ay tawaging Monitor.

ang alamat ng hard disk

Sa isang bayan sa Mindoro may isang pamilya na lubos na masaya at may pananalig sa diyos hindi sila apektado ng giyera doon. Si Ding ang bunso sa tatlong magkakapatid si Pedro ang pangalawa at si juan ang panganay. Isang araw ay nautusan ang tatlo na mangahoy sa kagubatan upang gawin nilang pangatong at sa paghahanap ng tatlo ay sila napadpad sa malapit sa kinaroroonan ng putukan mula sa mga rebelde at mga militar. Sa kasamaang palad habang ang tatlong magkakapatid ay nangangahoy ay tinamaan ng ligaw na bala si Ding ginawa ng dalawang niyang kapatid ay binuhat siya at nanalig na sana ay madala nila ito sa ospital ngunit hindi na umabot si Ding lubos na nagsisi ang mga magulang ni Ding pati ang dalawa niyang kapatid at wala silang nagawa upang ito ay mailigtas. Sa isang sandali ay lumabas sa harap nila si Maria Makiling sabi nito ay magagawa niyang mabuhay ang mga alaala nito  ngunit ang katawan ay hindi na ginawa niya itong isang bakal na kung tawagin natin ngayon ay hard disk.

alamat ng mouse

Sa isang bayan na kung tawagin ay Sitio talim may isang batang napakahilig sa keso. Ang pangalan niya ay Mo siya ay nakatira sa gubat kasama ang kanyang ina. Isang araw ay nawalan sila ng keso ay kinailangan na umalis ng kanyang ina para bumili sa bayan. Bago umalis ang kanyang ina ay sinabi nito sa kanyang anak na wag magpapasok ng hindi kakilala. Nang makaalis na ang kanyang ina ay nakatulog si Mo at nagising siya sa isang katok sa kanilang pintuan akala niya ang kanyang ina dali dali niyan binuksan ito at sabik na siya na kumain ng keso ngunit ng binuksan niya ang pinto ay isang bruha ang tumambad sa kanya at siya sinumpa at ginawang isang bagay na hindi pa kilala noon ang sabi ng bruha ikaw ang aking eksperemento sa aking mahika balang araw ay sisikat ka bilang isang bagay na ngayon ay hindi pa kilala. Lubos ang kalungkutan ng kanyang ian dahil hindi niya makita ang kanyang anak.

sarili kong maikling kwento

Ang kwento ko na ito ay tungkol sa aming retreat noong ako ay fourth year high school pa lamang., Sa aming retreat na ito kami ay nagpunta sa Tagaytay sa isang lugar sa mga madre. Isang araw at kalahati kami doon ang unang kong pagpasok doon ay nakakapanibago dahil tahimik ang lugar at mukang bawal mag ingay. Maayos kming dinala sa isang silid at doon kami ay nag retreat may isang pari ang nagsasalita sa harap at patay ang ilaw at sa harap makikita ang isang kandila. Pagkatapos ay nagsimula ng magsalita ang pare at ang mga kasama ko ay nag iiyakan dahil na nga sa mga pagkakamali na kanilang nagawa lalo na sa kanilang magulang. Pagkatapos nito ay kami ay Natulog na at tahimik na ang lahat at kinabukasan ay naging masaya na ang lahat at kumain na kami at umalis na pagkatapos gabi na kami nakauwi noon.  

sarili kong maikling kwento

Ang aking kwento ay nangyari noong kami ay kumukuha ng subject na CWTS kasi noong nag 2nd sem ng subject na ito ay nalagay kmi sa mga barangay ang aming napuntahan ay ang Catmon. Dito ay naglinis kmi at nagtanim sa kalagitnaan ng init amin naming itong tiniis upang makapasa at matuto sa subject na ito. Naging masaya naman kami ng aking mga kaklase kahit na minsan madumihan kami at mainitan at masira ang aming mga tanim. Dahil dito naging mas matatag ang aming samahan magkakaklase. At ng matapos na ito ay marami kaming natutunan sa subject na ito.

sarili kong maikling kwento

Ang aking kwento na ito ay tungkol sa aming pag oovernight sa aking kaibigan hapon na ng kami ay nakadating doon sa kanila sa plaridel kasi siya nakatira at ako ay nagmula pa sa Calumpit. Inimbitahan niya kami doon upang makilahok sa kanilang prayer mass. Kasi ang kanyang ama ay isang pastor at kasama siya sa pagtulong sa kanyang ama. Kumain muna kami bago pumunta sa lugar na pag gaganapan ng mangyayaring prayer mass. At ng nandoon na kmi ay ang lugar ay maliwang at maraming upuan at nagsisimula na ang pagdatingan ng mga kasama doon. At noong nagsimula na ay pinatay na ang ilaw upang mangibabaw ang nagsasalita sa stage marami sa mga sinabi doon ay nakarelate aq sa sarili ko kaya naman ng matapos iyon ay may nabago sa akin kahit papaano ang magdasal sa diyos at manalig sa kanya. At ng gabi na iyo kami ay natulog sa isang silid ng kanilang church. Doon naging magulo kmi dahil kami kami lang doon at nag kulitan at nagkuhanan kami ng litrato inabot kmi ng 3 ng umaga ng matapos at sa wakas nakatulog na kmi at umuwi na ng 7 ng umaga na iyon ang saya ng aking naging karanasan dito.

sarili kong maikling kwento

Ang aking kwento ay tungkol sa aming fieldtrip noong kami ay nasa unang taon ng aming pag aaral sa kolehiyo.
Kami ay pitong magkakaibigan na magkasama sa fieldtrip na ito ang aming unang pinuntahan ay ang Science Centrum dito makikita ang maraming likha ng Science na siguradong malilibang ka. Ang sumunod na aming pinuntahan ay ang Enchanted kingdom ang una naming sinakyan ay ang ferris wheel dito ay marami kami kinuhang litrato habang kami ay nasa itaas ng ferris wheel. Sumunod namin nasakyan ay ang Rio de Grande matagal bago kmi nakasakay dahil sa dami ng tao hapon na noong kami ay nakasakay na. Masaya ang aming naging pagsakay dito ang iba kong kasama ay nabasa at ako ay kaunti lamag. Pagkatapos nito ay padilim na at kailangan nanamin umuwi kaya sinulit nanamin nagkuhanan kami ng mga litrato bago kami sumakay sa bus. At ng nakumpleto na ay umalis na din kami at mapayapa at masayang nakauwi.

sarili kong maikling kwento

Ang aking kwento ay isang nakakatakot na kwento ito ay tungkol sa isang babaeng nag aaral sa BSU isa siyang engineering students. Isang gabi noon gabi na ang kanyang naging uwian at bago siya umuwi ay napadaan siya sa isang c.r pagtingin niya dito ay nakasara ang pinto ngunit napansin niya na bukas ang ilaw ng c.r kaya naman sinilip niya ang ilalim ng pintuan. At ng kanya itong tiningan ay nakita niya ang isang babae na nakatingin din sa kaniya sa sobrang takot ay siya ay napatakbo. At magmula noon ay hindi na siya dumaan sa c.r na iyon.

sanaysay ng apat na araw sa cict days

Ang apat na araw ng aming Cict days ay naging masaya at nagkaroon ng maraming kasiyahan sa bawat mag aaral ng Cict. Sa unang araw ng Cict days ay nagkaroon ng cosplay act na bawat section ng computer technology at I.T ay may kanya kanyang kalahok. Naging malaki ang selebrasyon na ito naging masaya lalo na ng pumarada na ang mga kasali sa cosplay magaganda ang bawat costume na ginamit ng bawat kalahok. Pumarada din ang mga kasali sa mga sports events at kabilang doon ang aming section sa 3rd year team sila kasama. sadyang naging masaya ang unang araw ng pagbubukas ng Cict days. Ang pangalawang araw naman ay ang pagbubukas ng unang laro ng cict days basketball, volleyball at marami pang iba ang klase noon ay hindi normal dahil attendance ang kailangan namin at kailangan din na kami ay manuod ng mga laro sa arawding ito nagsimula ang dalawang laro ng aming section sa kasamaang palad ay talo parehas ang dalawang laro pero masaya pa din dahil nakapaglaro naman ang lahat. Ang panagatlong araw naman ay sports events padin eto na ang huling araw ng finals ng mga laro kaya lahat ng mga player ay gustong manalo upang makuha ang mga papremyo pati na din ang kanilang karangalan. sa araw na ito ay hindi ko napanuod ng buo ang sports events dahil pumunta kami sa aming kaklase na kaarawan noon naging masaya ang kanyang kaarawan. Sa huling araw ng Cict days ay naganap na ang awarding kanya kanya na ang mga nanalo at bawat manlalaro ay naging masaya sa resulta ng mga events.

Ang aking talambuhay

Ako ay si Paulo Exequiel  l. del rosario  ipinaganak noong enero 8,1993 sa Calumpit, bulacan. Ang aking mga magulang ay sina Jose del rosario jr. at Rhodora del rosario. Kami ay apat na magkakapatid pangatlo ako sa amin. Ang madalas ng tawag sa akin ng iba ay Paulo dahil iyon ang una kong pangalan. Ang edad ko ngayon ay18 sa kasalukuyan ako ay nag-aaral ng kurso  na Computer Technology sa Bulacan State University at pangatlong taon ko na ngayon.Noong ako'y nasa elementarya palang ako'y nag aral sa pampublikong paaralan ng Calumpit sa F.Mendoza Memorial Elementary School. At ng ako'y nag high school nag aral ako sa Colegio De Calumpit. Ang aking buhay ay simple lamang ngunit ako'y masaya dahil kahit paano ako ay malapt ng makatapos ng pag aaral ko dahil narin sa aking mga magulang sila ay mabubuting mga magulang. Dahil maganda ang pagpapalaki nila sa akin dahil bata pa lang ako tinuruan na nila akong magkaroon ng takot sa diyos. At hanggang ngayon dala dala ko pa din iyon.