Sabado, Setyembre 24, 2011

alamat ng Integrated circuit (ic)

Sa isang bayan na tawagin na Sitio Dilim na halos walang liwanag ang makikita isang araw may isang binatang nangako sa mga mamayan ng Sitio Dilim na sa kanyang pagbabalik ay makakapagdala siya ng isang bagay na tutulong sa kanilang bayan upang lumiwanag ito. Sa kanyang paglalakbay ay nakasalubong siya ng isang matanda na gutom na gutom. Ngunit ang kanyang pagkain ay isang tinapay nalang pero binigay pa din niya ito sa matanda at bigla itong naging isang magandang babae at sinabi nito dahil sa iyong kabutihan bibigyan kita ng isang bagay na kailangan mo para sa iyong bayan binigyan siya ng isang bagay na makislap na tutulong sa kaniyang bayan upang lumiwanag ito. At sa kaniyang pagbabalik ay masaya siyang sinalubong ng kaniyang mga kababayan tapos ay naglikha pa siya ng marami pang ganito na ngayon ay ginagamit natin.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento