Lunes, Oktubre 3, 2011

malayang tula

Ang aking binibini na kasing bango ng mga rosas
Sa tuwing siya'y aking nakikita, puso ko'y tumatalon
Mga mata niyang kasing kislap ng mga bituin sa gabi
Ako'y natutunaw sa kanyang mga titig

Lubos ang aking kasiyahan makta ko lamang siya
Ang aking araw siguradong buo na
O aking binibini ika'y aking sininisinta
Sana iyong palad aking mahawakan

Kay sarap mag alay sayo ng isang rosas
Katulad mo silay nakakabighani talaga
Ikaw ang hiling ko sa tuwina
Iyo sanang malaman ang aking nararamdaman

malayang tula

Ang aking paaralan dito sa aming bayan
Lubos ang kaalaman
Umaga pa lamang ako'y gumigising na
Handa na ang aking Baon para sa maghapon

Ang aking mga kamag-aral na handa sa aming klase
Ang aking guro lubos ang saya sa kanyang pagtuturo
Lahat kami masaya sa aming bagong kaalaman
At pagdating reces kami ay salo salo sa aming mga baon

Tinapay, kanin at iba pa aming pinagsasaluhan
Mga laro aming gingawa tuwing reces kay sayang talaga
Pagdating ng uwian nandiyan na ang aking sundo
Masaya na akong uuwi na may dalang bagong kaalaman