Sabado, Setyembre 24, 2011

ang alamat ng hard disk

Sa isang bayan sa Mindoro may isang pamilya na lubos na masaya at may pananalig sa diyos hindi sila apektado ng giyera doon. Si Ding ang bunso sa tatlong magkakapatid si Pedro ang pangalawa at si juan ang panganay. Isang araw ay nautusan ang tatlo na mangahoy sa kagubatan upang gawin nilang pangatong at sa paghahanap ng tatlo ay sila napadpad sa malapit sa kinaroroonan ng putukan mula sa mga rebelde at mga militar. Sa kasamaang palad habang ang tatlong magkakapatid ay nangangahoy ay tinamaan ng ligaw na bala si Ding ginawa ng dalawang niyang kapatid ay binuhat siya at nanalig na sana ay madala nila ito sa ospital ngunit hindi na umabot si Ding lubos na nagsisi ang mga magulang ni Ding pati ang dalawa niyang kapatid at wala silang nagawa upang ito ay mailigtas. Sa isang sandali ay lumabas sa harap nila si Maria Makiling sabi nito ay magagawa niyang mabuhay ang mga alaala nito  ngunit ang katawan ay hindi na ginawa niya itong isang bakal na kung tawagin natin ngayon ay hard disk.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento