Lunes, Oktubre 3, 2011

malayang tula

Ang aking binibini na kasing bango ng mga rosas
Sa tuwing siya'y aking nakikita, puso ko'y tumatalon
Mga mata niyang kasing kislap ng mga bituin sa gabi
Ako'y natutunaw sa kanyang mga titig

Lubos ang aking kasiyahan makta ko lamang siya
Ang aking araw siguradong buo na
O aking binibini ika'y aking sininisinta
Sana iyong palad aking mahawakan

Kay sarap mag alay sayo ng isang rosas
Katulad mo silay nakakabighani talaga
Ikaw ang hiling ko sa tuwina
Iyo sanang malaman ang aking nararamdaman

malayang tula

Ang aking paaralan dito sa aming bayan
Lubos ang kaalaman
Umaga pa lamang ako'y gumigising na
Handa na ang aking Baon para sa maghapon

Ang aking mga kamag-aral na handa sa aming klase
Ang aking guro lubos ang saya sa kanyang pagtuturo
Lahat kami masaya sa aming bagong kaalaman
At pagdating reces kami ay salo salo sa aming mga baon

Tinapay, kanin at iba pa aming pinagsasaluhan
Mga laro aming gingawa tuwing reces kay sayang talaga
Pagdating ng uwian nandiyan na ang aking sundo
Masaya na akong uuwi na may dalang bagong kaalaman


 

Lunes, Setyembre 26, 2011

malayang tula

Sa aming bayan tuwing sasapit
Ang kapistahan samot saring banderitas iyong makikita
Sa kaliwa't kanan mo'y di mag maliw ang mga tao sa kasiyahan
Mga pagkain siguradong ikaw ay mapapakain
Mga laro't palabas sa sa bayan tiyak na nakakaaliw
aa


O kay sarap ng pyestang bayan dito sa amin
Kay sarap balikan ng mga araw na ka'y saya
Sana'y piyestang bayan maulit ulit kada araw
Mga prusisyon aking inaabangan
Pagsapit ng gabi siguradong mamangha ka
Mga ilaw sa kalye ay nakakabighani




Sana maulit muli ang aming piyestang bayan
Siguradong babalik balikan ko
Ang aking bayan na lubos sa kasiyahan 
Ang dala sa aking buhay

malayang tula

Kay sarap maalala ng aking kabataan
Mga larong aking ginagawa
Nakakaaliw talaga 
Ang aking kaibigang si Pedro
Kasama ko kahit saan
Sa ilog o sapa kami lumalangoy




O ka'y simple ng aming buhay noon
Makapaglaro lamang kami masaya na
Ka'y sarap balikan ng aking kabataan
Pamimitas ng mangga aking hinahanap
Hugot dito kuha doon 


Ang aking kaibigan na si pedro 
Sadyang nakakaaliw sumayaw 
Pag kami ay kakain na ng mangga
O kay sarap talaga balikan ng aking kabataan 

ang alamat ng flashdrive

Sa isang kagubatan sa bayan ng albanya may isang mag anak na labis ang pagmamahalan sa isat isa hindi nila halos maiwan ang isat isa. Ang kanilang magulang na sina Anton at Maria ay mabubuting mga magulang sa kanilang mga anak at maganda ang pagpapalaki nila sa kanilang mga anak ang magkaroon ng takot sa diyos.
Isang araw may isang matandang halos patay na ang nakita ni Anton sa kagubatan habang siya ay nangangahoy ito ay kanyang ginamot pinkaen at pinainom ng dala nitong tubig. At sa awa ng diyos ito ay gumaling at biglang tumayo sa kanyang harapan at biglang naging isang babaeng napakaganda. Sinabi nito kay anton na bibigyan siya nito ng isang bagay na maari niyang magamit balang araw. Tinanggap ito ni Anton at ng lumipas ang 3 taon sila ng kanyang pamilya ay naharap sa isang problema nagkasakit ang asawa ni Anton na si Maria at malubha na ang kalagayan at ng malalagutan na ito ng hininga ay ginamit ni Anton ang binigay ng matanda sa kanya umaasang sana ay mabuhay ang kanyang asawa ng kanya itong binigay sa kanyang asawa ay biglang lumabas ang babaeng nakita niya noon at sinabing ang katawan ng iyong asawa ay hindi ko na maibabalik pa ngunit ang kanyang alaala ay nasa isang bagay na pwede mong ilagay ang lahat ng gustong mong bagay na kailangan mo at nandito ang alaala ng iyong asawa. At hanggang ngayon ginagamit natin ang bagay na ito na kung tawagin ay Flashdrive.

Sabado, Setyembre 24, 2011

alamat ng Integrated circuit (ic)

Sa isang bayan na tawagin na Sitio Dilim na halos walang liwanag ang makikita isang araw may isang binatang nangako sa mga mamayan ng Sitio Dilim na sa kanyang pagbabalik ay makakapagdala siya ng isang bagay na tutulong sa kanilang bayan upang lumiwanag ito. Sa kanyang paglalakbay ay nakasalubong siya ng isang matanda na gutom na gutom. Ngunit ang kanyang pagkain ay isang tinapay nalang pero binigay pa din niya ito sa matanda at bigla itong naging isang magandang babae at sinabi nito dahil sa iyong kabutihan bibigyan kita ng isang bagay na kailangan mo para sa iyong bayan binigyan siya ng isang bagay na makislap na tutulong sa kaniyang bayan upang lumiwanag ito. At sa kaniyang pagbabalik ay masaya siyang sinalubong ng kaniyang mga kababayan tapos ay naglikha pa siya ng marami pang ganito na ngayon ay ginagamit natin.

alamat ng monitor

Sa isang lugar na kung tawagin nila ay bayan ng tulaok. May isang babae na nagngagalang Magdalena siya ang pinakamaganda sa lahat ng dalaga doon. Halos oras oras ang tingin nito sa kanyang salamin. isang araw ng siya ay nasa loob ng kanyang bahay ay kinatok siya ng isang matandang my sakit na ketong. Nang kaniyang binuksan ang pinto ay bumungad sa kanya ang matanda. Nagsalita ito na kung pwede sana ay makainom siya ng tubig ngunit hindi siya binigyan ng babae ng tubig at pinalayas pa ito. At biglang naglaho ang matanda at naging magandang babae lubos ang paghingi ng tawad ni Magdalena ngunit huli ang lahat sinabi ng babae na mula ngayon gagawin kitang isang bagay na lahat na ilagay mo dito ay makikita mo ang iyong sarili at ginawa nga siyang ganito. Na ngayon ay tawaging Monitor.