Lunes, Oktubre 3, 2011

malayang tula

Ang aking binibini na kasing bango ng mga rosas
Sa tuwing siya'y aking nakikita, puso ko'y tumatalon
Mga mata niyang kasing kislap ng mga bituin sa gabi
Ako'y natutunaw sa kanyang mga titig

Lubos ang aking kasiyahan makta ko lamang siya
Ang aking araw siguradong buo na
O aking binibini ika'y aking sininisinta
Sana iyong palad aking mahawakan

Kay sarap mag alay sayo ng isang rosas
Katulad mo silay nakakabighani talaga
Ikaw ang hiling ko sa tuwina
Iyo sanang malaman ang aking nararamdaman

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento